Home NATIONWIDE CCTV sa klasrum, muling isinusulong sa Senado

CCTV sa klasrum, muling isinusulong sa Senado

4
0

MANILA, Philippines – Muling isinulong sa Senado ang pagpapalawak ng paggamit ng closed-circuit television (CCTV) cameras at iba pang hakbang sa seguridad sa mga paaralan kasunod ng madugong pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng ilan pa.

Ayon kay Sen. Raffy Tulfo, ipinapakita ng insidente ang pangangailangang maipatupad ang mga hakbang na matagal na niyang isinusulong, kabilang ang paglalagay ng CCTV cameras, pagdeploy ng mga security guard, at paggamit ng metal detectors sa mga paaralan.

“With the increasing number of violent incidents in schools, many of which involve students themselves, it is high time that this measure be enacted into law,” ani Tulfo.

Muli ring iginiit ni Tulfo ang kanyang panukala na gawing mandatoryo ang CCTV coverage sa mga silid-aralan at iba pang bahagi ng paaralan upang makatulong sa pag-iwas sa krimen, imbestigasyon, at pagpapatupad ng mga patakaran laban sa bullying.

Ibinunyag din niya na sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na walang perimeter fence ang paaralan sa Tacloban kaya nakapasok ang mga armadong estudyante sa likurang bahagi ng campus sa kabila ng presensya ng mga security guard.

Ayon kay Tulfo, nakikipag-ugnayan na ang Department of Education (DepEd) sa mga lokal na pamahalaan upang magamit ang Special Education Fund para sa pagtatayo ng perimeter fences at pagbili ng metal detectors.

Samantala, sinabi ni Sen. Loren Legarda na hindi lamang seguridad sa paaralan ang dapat tutukan kundi maging ang mga ugat ng karahasan tulad ng bullying, mental health concerns, online risks, at access sa mga baril.

“Social media and online games may be part of the story, but they are not the whole story. The harder question is: what else was happening in this child’s life, what warning signs went unnoticed, and how do we make sure the next child in crisis is met with support before tragedy strikes?” ani Legarda.

Binigyang-diin ni Legarda na dapat magkaroon ang mga paaralan ng mga mekanismo para sa maagang pagtukoy sa mga warning signs, counseling, at iba pang suporta sa mga estudyanteng nangangailangan ng gabay.

“It takes a whole village to protect a child, and we owe it to every Filipino child to build safer, more caring schools, homes, online spaces, and communities,” dagdag niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here