Home HOME BANNER STORY Bagong barko ng China, pumalit sa monster ship; namataan sa Zambales!

Bagong barko ng China, pumalit sa monster ship; namataan sa Zambales!

MANILA, Philippines – Bagamat umalis na ang monster ship ng China papalayo sa Zambales, may isa na namang barko ng China ang pumalit dito, ayon kay Commodore Jay Tarriela, Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea, nitong Miyerkules, Enero 8.

Ani Tarriela, ang China Coast Guard (CCG) 5901 o monster ship ay namataan 167 kilometro ang layo mula sa dalampasigan ng Zambales.

Ito ang kauna-unahang barko na pumasok sa exclusive economic zone noong Enero 1 at namataan 100 kilometro mula sa Capones Island.

Ang monster ship ay agad na pinalitan ng CCG 3103, na umalis ng Guandong province nitong Enero 7.

“It went directly straight to the location of CCG 5901,” sinabi ni Tarriela.

Ang barko ay huling namataan 111 kilometro mula sa Zambales.

“It appeared to be the replacement vessel to sustain their presence in that area,” aniya.

Ipinadala ang islander aircraft para magsagawa ng aerial surveillance sa Zambales at sa bisinidad ng Panatag Shoal.

Ipinadala rin sa lugar ang BRP Teresa Magbanua, isa sa pinakamalaki at pinakabagong barko ng PCG para palitan ang BRP Cabra na naunang idineploy para buntutan at bantayan ang monster ship.

Patuloy na imomonitor ng BRP Teresa Magbanua ang “the illegal and unlawful presence of the Chinese Coast Guard vessels.”

“Initially we thought that it was leaving,” ani Tarriela, “just to realize that there is a replacement vessel.”

Sa kabila nito, posible umanong bumalik ang monster ship anumang oras.

Nauna nang sinabi na ang pangunahing layunin ng barko ng China sa lugar ay para takutin ang mga mangingisdang Pinoy.

“But one thing here is clear, whether it is a monster ship or a smaller vessel, they are still violating the international law, they are still disregarding Unclos, and they are still violating our sovereign rights,” sinabi ni Tarriela, na tinutukoy ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea. RNT/JGC