Home NATIONWIDE EDSA pagagandahin ngayong taon!

EDSA pagagandahin ngayong taon!

(c) Danny Querubin/Remate News Central

MANILA, Philippines – Magsisimula na ngayong taon ang matagal nang hinihintay na pagpapaganda at pagsasaayos sa EDSA, kasama ang iba pang big-ticket projects ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Speaking about what we will start [this year], what the President wants is that we have to actually improve the riding quality of Edsa. We will rehabilitate the entire Edsa starting 2025,” pahayag ni Public Works Secretary Manuel Bonoan nitong Miyerkules, Enero 8.

Ang rehabilitasyon ng EDSA ay dapat na umanong gawin, sa kabila ng pangamba na mas lumala pa ang daloy ng trapiko sa pangunahing kalsada sa Metro Manila.

“Because right now, if you pass through Edsa, you will have a hard time texting on your mobile phone because the ride is too bumpy,” ani Bonoan.

Inaasahang makukumpleto rin ngayong taon ang total overhaul ng EDSA.

Ang P3.74 bilyong major rehabilitation ng EDSA ay nakatakda sanang simulan noong 2015 ngunit bigong maisakatuparan matapos hindi makakuha ng approval mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ipinunto ng MMDA na ang naturang proyekto ay magdudulot ng malawakang traffic congestion dahil mayroon ding ibang major road repair works ang nagpapatuloy ng mga panahong iyon. RNT/JGC