Home ENTERTAINMENT Bagong hosts ng EB, pinangalanan na!

Bagong hosts ng EB, pinangalanan na!

Manila, Philippines – Back to square 1.

Ito raw ang angkop na paglalarawan sa Eat Bulaga makaraan ang exodus o pag-aalsa-balutan ng lahat ng mga hosts nito.

Nauna nang kumalas sa Tape, Inc., ang producer ng longest running noontime program nitong May 31, ang comic trio nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon o higit na kilala bilang TVJ.

Ang TVJ ang pioneer hosts ng EB mula nang magsimula itong umere noong July 30 apatnapu’t apat na taon na ang nakakaraan.

Noong mismong May 31, nagsumite na rin ng kanilang mass resignation o disengagement ang iba pang Dabarkads hosts.

Kabilang dito ang JoWaPao na binubuo nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Kasama ring nagbitiw sina Allan K, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon at Ryan Agoncillo.

Bukod sa mga hosts, kasama ring nagbitiw sa kanilang mga trabaho ang mga writers, researchers, cameramen at maging ang mga taga-sales department.

Mula May 31 hanggang nitong June 1, Huwebes ay replay o playback ang napanood na episode ng EB.

Pero balitang minamadali na raw ng bagong management sa ilalim ng mga Jalosjos ang pagkakaroon ng live episode.

Ang APT Studios pa rin na pag-aari ni Tony Tuviera ang gagamitin ng EB.

Balitang lumipad nitong May 29 si Tuviera patungong Fukuoka, Japan upang “magpalamig” bunga ng tensyong kinakaharap ng EB.

Dahil nga sa exodus ng mga hosts ng EB, lumutang ang balitang “nililigawan” ngayon ang ilang Sparkle artists bilang pamalit sa mga nagbitiw na hosts.

Ang Sparkle ay ang talent management arm ng GMA.

Kabilang umano sa mga nais kunin ng new management ng EB ay sina Gabbi Garcia, Betong Sumaya, Chariz Solomon at Archie Alemania.

Malamang din daw ay mapapayag sina Mavy at Cassy Legaspi na mga anak ng mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Nauna nang sinabi ng mga Jalosjos na “life goes on” sa kabila ng pagkalas ng TVJ na sinundan ng iba pang hosts.

Pangako nila, higit pa raw sa isanlibo’t isang tuwa ang ihahatid nila.

Eh, ‘di wow! Ronnie Carrasco III

Previous articlePimentel kay PBBM: Proposed Maharlika fund, pigilan
Next articleDTI bumuo ng sistema vs unwarranted import surge sa pagsisimula ng RCEP