Home NATIONWIDE Pimentel kay PBBM: Proposed Maharlika fund, pigilan

Pimentel kay PBBM: Proposed Maharlika fund, pigilan

MANILA, Philippines – Hinimok ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-veto o pigilan ang proposed Maharlika Investment Fund dahil hindi umano ito katanggap-tanggap sa kasalukuyang anyo nito.

Sa press statement nitong Biyernes, Hunyo 2, sinabi ni Pimentel na dapat ibalik sa Kongreso ang panukala para sa iba pang kailangang ayusin.

“The bill, in its current form, is not acceptable. I am calling on the President to exercise his veto power and return the measure to Congress,” aniya.

“It is in the best interest of the Filipino people and the administration if the measure is sent back to Congress, so we will have the chance to take a second look at the measure in order to address the concerns raised by many sectors.”

Sinabi pa ng senador na ang mga butas sa panukala ay bunga ng pagmamadali para maipasa ito.

Aniya, ang MIF ay “full of opaque provisions, contradictions, ambiguities, and loopholes,” na kapwa bigong natugunan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

“Returning it to Congress will allow us to resolve conflicting provisions and add more safeguards to protect the funds and foster transparency and accountability,” sinabi pa ni Pimentel.

Nagbabala siya na kung hindi ibi-veto, “MIF cannot withstand the scrutiny of the Supreme Court.”

“The MIF can be challenged before the courts and for those planning to do this, I will make myself available as a source of some facts, information and arguments,” sinabi pa niya.

Wala pang tugon ang Presidential Communications Office kaugnay sa panawagan ni Pimentel. RNT/JGC