Home HOME BANNER STORY Pagsuporta ng BSP sa Maharlika fund ‘di magpapahina sa mandato nito –...

Pagsuporta ng BSP sa Maharlika fund ‘di magpapahina sa mandato nito – Diokno

MANILA, Philippines – Pinawi ni Finance Secretary Benjamin Diokno nitong Biyernes, Hunyo 2 ang pangamba ng publiko na makaaapekto sa mandato ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pag-aambag nito ng pondo para sa proposed Maharlika Investment Fund (MIF).

“BSP contribution to MIF is not a threat to financial stability,” pahayag ni Diokno, dating gobernador ng BSP.

Matatandaan na nagpahayag ng pangamba si dating BSP senior deputy governor Diwa Guinigundo na kung mahina sa pananalapi ang BSP, mahihirapan nitong matulungan ang mga bankong mangangailangan ng tulong, at makaaapekto rin sa mandato nito na panatilihing malusog ang financial system ng bansa.

Tugon dito ni Diokno, ang financial condition ng BSP ay “now is much better than when its revised charter was being deliberated upon.”

“In addition, the BSP was granted additional tools to conduct its primary mandates,” sinabi pa niya.

Binalikan din ni Diokno ang panahon kung saan lubhang nakatulong ang BSP sa pamahalaan nang sinalanta ito ng COVID-19 pandemic.

“At the height of the pandemic, when I was BSP Governor, BSP extended a loan of P540 billion — repeat, P540 billion— interest-free to the national government,” ani Diokno.

“To help the country during its economic distress. That’s how good BSP’s finances are,” dagdag niya.

Nitong Miyerkules, Mayo 31 ay tinanggap na ng Kamara ang Senate version ng proposed MIF bill kasabay ng meeting ng bicameral conference committee. RNT/JGC

Previous articleImee namahagi ng ayuda sa Pampanga, Tarlac
Next articlePimentel kay PBBM: Proposed Maharlika fund, pigilan