Home METRO Imee namahagi ng ayuda sa Pampanga, Tarlac

Imee namahagi ng ayuda sa Pampanga, Tarlac

MANILA, Philippines- Bumisita si Senator Imee R. Marcos sa probinsya ng Pampanga at Tarlac noong Huwebes, June 1.

Namahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) para sa 1,000 residente ng Porac at Mabalacat City sa Pampanga at 1,000 rin para sa Bamban, Tarlac.

Aabot sa P9 milyon ang halaga ng ayuda na ipinamahagi ng senador katuwang ang ahensya ng DSWD at lokal na pamahalaan.

Bukod sa pagbibigay ng financial assistance, nagkaroon ng dayalogo si Senador Marcos kasama ang dalawang grupo. Pinulong niya ang TODA riders sa Mabalacat City maging ang student representatives ng Pampanga State Agricultural University. Cesar Morales

Previous articleDAR, BJMP sanib-pwersa sa pagtulong sa mga magsasaka
Next articlePagsuporta ng BSP sa Maharlika fund ‘di magpapahina sa mandato nito – Diokno