Home ENTERTAINMENT Bagong kanta ni Andrew E, may naughty version?

Bagong kanta ni Andrew E, may naughty version?

2
0

Manila, Philippines – Pasabog ang naging launching ng new single ng King of Pinoy Rap na si Andrew E. na ginanap sa G Side Superclub, bago ang kanyang 59th birthday salubong.

Ang new single niya ay titled “Pasta” at mula nang napakinggan ito, gumawa agad ng ingay ang song dahil may kakaibang lyrics o version ito sa live performance.

Pero napag-alaman na ang ilang words na pinag-usapan ng madla at ng netizens ay hindi bahagi ng opisyal na lyrics ng kantang Pasta. Parang isiningit lang daw ito kumbaga, bilang bahagi lang ng pakikipagbiruan at pakikipag-interaksiyon sa live audience ng legendary rapper sa naturang launching.

Kilala naman kasi si Andrew sa kanyang ganyang style bilang rapper.

Sa original na version ay mapapakingan ang lyrics na “Put a little more! Ibuhos mo!”

Pero sa gabing iyon ay iba ang kinakanta ng karamihan ng nandoon sa event at ang lyrics ay naging, “PI mo! Ibuhos mo!” ang datingan.

Sa totoo lang, sa narinig namin that night, kuwela naman ito sa mga ganoong lugar at pagtatanghal. Kaya nag-enjoy nang husto ang mga present sa nasabing bar.

Masarap kasi pakinggan ang new song ni Andrew lalo na kapag may party o nagkakasiyahan.

Actually, very catcy ito at masarap kantahin. Plus ang Pasta ay may LSS (Last Song Syndrome) effect sa madla, kaya siguradong magiging big hit na naman ito from Andrew E. Sakto rin itong gamitin sa TikTok.

Natanong ang iconic rapper na kung ang ilang song niya dati ay medyo naughty, ngayon ba ay paano na?

“Ngayon ay mas brutal,” nakatawang esplika niya.

“Kasi, you know why? Kasi, dati iyong pagiging liberated ko sa kanta, eh hindi ba 1990, 1991 napaka-early pa noon sa Pilipinas. So, hindi pa tayo masyadong liberated, hindi ba?

“But now a days, you know, cell phone, social media and all that, ganoon na ka-high level yung technology… wala na silang hindi alam. Ang tanong, paano mo ngayon kikilitiin ang mga tao kung alam na nila lahat?

“Ang challenge ay mas mahirap, that is why we really should surpass the challenge. And I guarantee you, kapag narinig nyo na ang kantang Pasta, sasabihin ninyo sa sarili nyo na tama nga si Andrew.”

Anyway, pinasalamatan ni Andrew ang mga present sa kanyang single launching at party, kabilang dito sina Sam Verzosa kasama si Faith da Silva, Jeffrey Tam, Eric Nicolas, at iba pang kaibigan. Dumalo rin ang mga kapatid niya sa Dongalo Records.

Siyempre pa, kabilang sa pinasalamatan ni Andrew sa espesyal na gabing iyon ang kanyang pamilya at misis na si Ms. Mylene Espiritu.

Last July 30 ay official na ngang napapakinggan ang Pasta sa YouTube Music, Apple Music, Spotify, at iba pang digital music platforms.

Ang Pasta ay bahagi ng upcoming album na “Wholesome… AGAIN?!”

Bukod sa bagong lunsad na single, kabilang din sa six-track album ang kantang “Interstellar,” na collab nina Andrew at ng rapper son na si MC Ford Medina.

Kaya raw Interstellar dahil ukol ito sa pag-ibig na nagbabaybay sa kalangitan, ayon pa kay Andrew E.Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here