Home NATIONWIDE Bagong motto ng UP pinasinayaan

Bagong motto ng UP pinasinayaan

MANILA, Philippines- Binago ng University of the Philippines (UP) ang motto nitong “Honor and Excellence.”

Sa isang Facebook post, inanunsyo ni UP president Angelo “Jijil” Jimenez nitong Martes ang pagdaragdag ng salitang “service” sa motto nito.

Batay sa imaheng kalakip ng post ni Jimenez, ang bagong motto ng UP ay: “Honor. Excellence. Service.”

“Our new motto. Honor and Excellence in the Service of the Nation! UP serves. It’s our reason for being,” batay sa kanyang post.

Sa kanyang talumpati sa turnover ceremony para sa UP presidency noong Pebrero 2023, binigyang-diin ni Jimenez na kailangan ng UP at komunidad nito na higitan ang “honor and excellence” sa pamamagitan ng pagtugon sa pangangailangan ng ibang tao.

Wika ni Jimenez, “Ang UP ay mananatiling bulwagan ng dangal at ipagpapatuloy natin ang simulain nito tungo sa husay at dangal.”

“Honor and excellence are not enough. Aanhin ang husay at dangal kung walang malasakit at kung walang pakikipag-kapwa tao?” ayon pa kay Jimenez, ika-22 presidente ng unibersidad.

Itinatag noong 1908, ang University of the Philippines ay isang “premier state-funded higher learning institution.” RNT/SA