Home NATIONWIDE Bagong OFW service hub sa Hong Kong, binuksan ng OWWA

Bagong OFW service hub sa Hong Kong, binuksan ng OWWA

MANILA, Philippines – Binuksan na ang bagong service hub ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Hong Kong, inanunsyo ng Overseas Workers welfare Administration (OWWA).

Sinabi ng OWWA sa Facebook post na layon ng OFW Global Center na magbigay ng pasilidad sa mga Pilipino sa Hong Kong kung saan sila makakapagpahinga, magtanong, makapag-aral at mag-enjoy.

Matatagpuan ang OFW Global Center sa ika-18 palapag ng United Centre, Admiralty Building.

Ang pasilidad ay may iba’t ibang lugar ng pagsasanay na magagamit ng mga OFW para sa kanilang mga sesyon at pag-aaral.

Mayroon ding Migrant’s Brew Coffee Shop ang pasilidad kung saan maaaring magkaroon ng libreng kape ang mga OFW.

Ito ay pangangasiwaan ng OWWA Hong Kong sa ilalim ng welfare officer na si Marilou Sumalinog.

Noong 2023, may humigit-kumulang 190,000 Filipino foreign doemstic helper (FDHs) sa Hong Kong na kumakatawan sa humigit-kumulang 57% ng kabuuang populasyon ng FDH, ayon sa mga talaan ng Hong Kong immigration. Jocelyn Tabangcura-Domenden