Home NATIONWIDE PBBM nangako, smuggled at illegal vapes pupuksain

PBBM nangako, smuggled at illegal vapes pupuksain

MANILA, Philippines – NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy na pupuksain ang paglaganap ng smuggled at illegal electronic vapes sa bansa.

Tinukoy ng Pangulo ang malubhang panganib sa kalusugan ng isang tao.

Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Marcos., araw ng Lunes, ang public condemnation ng 2.977,925 piraso ng nasabat na smuggled electronic cigarettes, vape parts, at accessories na nagkakahalaga ng P3.26 billion.

”Patuloy nating gagawin ito and I just wanted to highlight the efforts that we are doing and the dangers that accompany these smuggled vapes. Far and beyond the loss in revenue to the government, more important to us are the health issues that these smuggled vapes raise,” ang naging mensahe ng Pangulo.

Sinabi pa niya na hindi lingid sa kanyang kaalaman na mga menor de edad ang target ng mga nasa likod ng pagbebenta ng smuggled vapes.

”Why is it so important that we do this? One, of course, because it is illegal. They have smuggled this in without any permits, any kind of documentation, at ipinagbibili na nga dito sa Pilipinas,” ang sinabi ng Pangulo.

”And the very serious problem that accompanies that na walang documentation, na walang inspeksyon, dahil eh ‘yung iba rito na ininspeksyon natin ay nahanapan – may lason na nakapasok doon sa liquid na ginagamit na pang-vape. Kaya’t lalong-lalo na nakakabahala dahil kung titingnan natin ‘yung packaging – ‘yung packaging talagang para sa bata. Kaya ang target market nila bata,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang pagsisikap ng mga ahensiya ng pamahalaan na pigilan ang pagpasok ng mga illegal vapes sa merkado, sabay sabing ”the levels at which we have been able to find these smuggled goods and eventually destroy them has increased.”

”I think sa 2023, ang nahuli natin mga three point something billion yata ang halaga. Nag-doble ‘yun last year. And just from October to – from January to March, we are well on our way also to achieving even more seizures of these illegal vapes,” ang winika ng Pangulo.

Samantala, ang event, isinagawa sa Bureau of Customs (BOC) sa South Harbor, Manila, binigyang diin ang ‘strong commitment’ ng administrasyon sa paglaban sa illicit trade at protektahan ang public health.

Kasama ang Pangulo si BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio, binigyang diin ang pinaigting na operasyon ng Bureau laban sa illegal importation ng vaporized nicotine at non-nicotine products. Ang mga produkto ay hindi lamang lumabag sa customs laws kundi magdudulot ng malubhang panganib sa kalusugan ng mga consumer.

“Today’s condemnation is a clear message to smugglers that the government is relentless in its pursuit of lawful trade,” ang sinabi naman ni Commissioner Rubio

Sa kabilang dako, sinaksihan naman nina Department of Finance (DOF) Secretary, Honorable Ralph G. Recto, Department of Trade and Industry (DTI) Secretary, Honorable Ma. Cristina Aldeguer-Roque, at Atty. M. Marcus N. Valdez II, Supervising Head ng Office for the Special Mandate on Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products (OSMV) ang naturang event.

Ang nasamsam na mga produkto ay resulta ng 10 operasyon na isinagawa sa buoang 2024 mula sa iab’t ibang lugar sa Metro Manila. Ang mga ito ay pinangunahan ng Manila International Container Port, (MICP), Port of Manila (POM), at BOC Intelligence Group, na may mahalagang papel sa pagtukoy at pagharang ng illegal shipments. Sa kabuuan, ang 10 operasyon ay nagbunga ng P3.26 bilyong halaga ng smuggled vape products.

Nakapagamabg ito sa larger anti-smuggling campaign ng BOC, nakaagtala ng 48 na matagumpay na operasyon noong 2024, nagresulta ng pagsamsam ng P6.658 bilyong halaga ng illicit goods. Sa first quarter ng 2025 lamang, napigilan ng Bureau ang P483.117 milyong halaga ng illegal vape products.

Ang tagumpay ng BOC ay naka-angkla ng multi-pronged strategy na kinabibilangan ng local at international collaboration, advanced intelligence gathering sa pamamagitan ng Risk Management and Cargo Targeting Systems nito, legal enforcement ng Letters of Authority sa ilalim ng Customs Modemization and Tariff Act (CMTA), a mas pinahigpit na port control measures.

Ang inisyatiba na ito ay nakahanay sa Republic Act No. 11900, o sa Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, na nag-uutos sa regulasyon at taxation ng nasabing produkto.

Sa ilalim ng President’s guidance, “the BOC and other government agencies continue to prioritize actions that directly benefit Filipino citizens, including their health, safety, and the integrity of the economy.” Kris Jose