Home NATIONWIDE Paglikha ng ‘safe spaces’ sa social media, imumungkahi

Paglikha ng ‘safe spaces’ sa social media, imumungkahi

MANILA, Philippines – Imumungkahi ng Commission on Elections (Comelec) ang paglikha ng “safe spaces” sa social media, maging sa mga voting precinct at canvassing areas, upang makatulong na protektahan ang mga botante bago ang May 2025 midterm elections.

Ginawa ni Comelec Chairman George Garcia ang anunsyong ito kasunod ng insidente kung saan ang ilang kandidato ay gumawa ng malalaswang pananalita sa panahon ng campaign sorties sa kasagsagan ng election period.

Ayon kay Garcia, imumungkahi ito bilang karagdagan sa Anti-Discrimination kung saan kailangang mapalawak ang kampanya sa pag-atake sa relihiyon o kung ano ang pinaniniwalaan ng isang tao.

Noong Pebrero, naglabas ang Comelec ng resolution na nagdedeklara na ang paglalagay ng label sa mga grupo at indibidwal bilang mga terorista, dissenters, at mga kriminal na walang ebidensya ay isang paglabag sa halalan sa 2025 midterm na pambansa at lokal na botohan.

Ang Comelec Resolution No. 1116 o ang Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines ay sumasaklaw din sa mga akto ng bullying at diskriminasyon na kinasasangkutan ng kasarian, etnisidad, edad, relihiyon, at mga kapansanan, bukod sa iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden