Home NATIONWIDE Bagong pinuno ng BJMP, ipinakilala

Bagong pinuno ng BJMP, ipinakilala

1
0

MANILA, Philippines – May bagong pinuno ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos italaga si Chief Supt. Efren Nemeño, dating Deputy Chief for Operations, bilang bagong direktor ng ahensya.

Batay sa kautusan ng Malacañang na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo 1, papalitan ni Nemeño si Chief Supt. Ruel Rivera, na magreretiro na sa serbisyo.

Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na manunumpa si Nemeño sa kanyang bagong tungkulin sa Hulyo 9.

Si Rivera ay dapat sanang nagretiro noong Enero 5, 2026 at binigyan ng isang taong extension sa serbisyo, ngunit pinili niyang paikliin ito sa anim na buwan.

Sa kasalukuyan, abala ang BJMP sa pangangasiwa sa mga kilala at mataas na personalidad na nakapiit dahil sa mga kasong may kaugnayan sa graft at korapsyon. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here