Home NATIONWIDE Bagong solid-fuel hypersonic missile ng NoKor, sinubukan!

Bagong solid-fuel hypersonic missile ng NoKor, sinubukan!

NORTH KOREA – Matagumpay na sinubukan ng North Korea ang bago nitong mid- to long-range solid-fuel hypersonic missile, ayon sa North Korean newspaper na Rodong Sinmun.

Pinakawalan ng North Korea ang hinihinalang intermediate-range ballistic missile sa dagat nitong Martes, Abril 2, sa posibleng test ng bago nitong rocket gamit ang solid fuel.

Dahil dito ay muling kinondena ng South Korea, Japan, at Estados Unidos ang naturang hakbang ng North Korea.

Ininspeksyon ni North Korean leader Kim Jong Un ang naturang test, at pinuri ang naturang missile na nagpapakita umano ng “absolute superiority” ng defense technology ng North Korea.

“North Korea has fully turned all tactical, operational, and strategic-grade missiles of different ranges into solid-fuel, with warhead control, and capable of nuclearization”, ani Kim, sa ulat ng Rodong Sinmun. RNT/JGC

Previous articleDesisyon sa pagsibak ng Ombudsman sa dating MIAA general manager, binaliktad ng CA
Next article53K katao sa Haiti lumikas sa gang violence – UN