Home NATIONWIDE Bagong tatag na komisyon ‘di kapalit ng ICC

Bagong tatag na komisyon ‘di kapalit ng ICC

33
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng bagong tatag na Philippine Truth and Reconciliation Commission na hindi ito kapalit ng mga korte o ng International Criminal Court sa paghahabol ng hustisya para sa mga biktima ng war on drugs.

Sa paglulunsad ngayong araw, sinabi ni Cardinal Pablo Virgilio David na ang komisyon ay magsisilbing katuwang sa pagdodokumento ng mga kaso, pagtitipon ng testimonya ng mga nakaligtas at naulila, at pagsusulong ng reparasyon para sa mga naapektuhang pamilya.

Pinamumunuan ng komisyon si dating ICC judge at dating UP Law Dean Atty. Raul Pangalangan, kasama sina Dr. Raquel Fortun, Fr. Danny Pilario, Dr. Al Fuertes, at Carlos Conde. Ayon sa kanila, layunin din ng independent at civilian-led body na magbigay ng ligtas na espasyo para tugunan ang trauma ng kampanya kontra droga at maglabas ng rekomendasyon para sa pananagutan at reporma.

Kasabay ng paglulunsad, nagpapatuloy din ang pagdinig sa ICC sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here