Home HOME BANNER STORY Bagyo nagbabadyang manalasa sa loob ng 24 oras

Bagyo nagbabadyang manalasa sa loob ng 24 oras

268
0

MANILA, Philippines – May malaking tsansa na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras ang low-pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules.

Bandang alas-3 ng umaga, huling namataan ang LPA sa layong 755 kilometro silangan ng Davao City. Magdadala ang trough nito ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Eastern Visayas, Davao Region, Caraga, Camiguin, Misamis Oriental, at Bukidnon.

Ayon sa PAGASA, magdadala rin ng ulan ang northeast monsoon sa Cagayan, Isabela, at Aurora, kung saan inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng flash floods o landslides.

Inaasahan din ang mahihinang pag-ulan sa Cordillera region at sa iba pang bahagi ng Cagayan Valley, habang posibleng makararanas ng pulo-pulong mahihinang pag-ulan ang Ilocos Region at iba pang bahagi ng Central Luzon.

Makakaranas naman ang natitirang bahagi ng bansa ng mga pulo-pulong pag-ulan dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Samantala, inaasahan ang katamtaman hanggang malalakas na hangin at katamtaman hanggang maalon na karagatan sa Northern Luzon at sa silangang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon, Visayas, at Mindanao, habang mahina hanggang katamtaman ang hangin at bahagya hanggang katamtaman ang alon sa ibang lugar. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here