Home OPINION PHILHEALTH “IMMEDIATE ELIGIBILITY” PARA SA BAWAT FILIPINO, MAY KONTRIBUSYON O WALA

PHILHEALTH “IMMEDIATE ELIGIBILITY” PARA SA BAWAT FILIPINO, MAY KONTRIBUSYON O WALA

226
0

MISMONG pamunuan na ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) ang nagsabi, malinaw sa Universal Health Care (UHC) law ang “immediate eligibility” kung saan, may kontribusyon o wala, dapat makinabang ang bawat Filipino sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan.

Dito pumapasok ang kaha­lagahan ng ipinag-utos na amnestiya at one-time waiver ng interes sa mga hindi nabayarang premium. Ito ay isang kon­kretong mekanismo ng malasakit dahil may mga sitwasyon sa buhay na lampas sa kontrol ng isang indibidwal. Ang kawalan ng trabaho dahil sa krisis pang- ekonomiya, ang paghina ng ki­ta ng micro at small entrepreneurs, at ang matagal na pagkakasakit lalo na yaong nangangai­la­ngan ng tuloy-tuloy na gamutan ay mga balidong dahilan kung ba­kit maraming miyembro ang hindi nakabayad ng kanilang obligasyon sa PHILHEALTH.

Layunin ng PHILHEALTH na mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro na “makahabol” nang hindi nadaragdagan pang lalo ang kanilang pasanin. Sa ha­lip na harapin ang lumobong utang dahil sa interes, maaari na lamang pagtuunan ang mismong principal o, sa ilang kaso, ay ma-realign ang kanilang kontribusyon batay sa kasalukuyang kakayahang magbayad. Maha­laga ito lalo na sa mga self-employed at informal sector wor­kers na walang regular na kita at walang employer na sasalo sa premium.

Sa ganang akin, mahalagang samahan ang amnestiya ng ma­­linaw at malawak na impormasyon. Marami pa ring miyembro ang hindi batid na sila ay saklaw ng ganitong programa, o kaya’y nalilito sa proseso ng pag-avail nito. Dito mahalaga ang papel ng PhilHealth sa pag­bibigay ng tamang gabay at tulong, lalo na sa mga pinaka-na­ngangailangan.

Naiintindihan ko naman ang PHILHEALTH kung bakit iniengganyo ang mga self-employed na may kakayahan na magbayad.

Kapag mas maraming Filipino ang may aktibong coverage, mas nagiging matatag ang ating health system. Ang tunay na sukatan ng tagumpay ng Universal Healthcare Law ay kung paano nito naiaangat ang dignidad at kalusugan ng bawat Pilipino lalo na yaong pinakamahina at pinaka-nangangailangan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here