BULACAN, Philippines – Tubig-baha na may lalim na 1.8 metro (6 talampakan) ay patuloy na nagpapalubog sa halos lahat ng 29 na barangay ng Calumpit sa kabila ng maaraw na panahon nitong linggo, dahil sa dalawang linggong pag-ulan ng habagat, sunud-sunod na tropical cyclones, at pagpapakawala ng tubig sa dam.
Ilan sa mga barangay ay halos “isolated” dahil ang Calumpit-Hagonoy Provincial Road ay nanatiling hindi madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan, dagdag ni Santiago.
Nasa 1.8-meter (6-feet) pa rin ang lalim ng baha sa Barangay Meysulao, habang nasa 1.5 meters (5 feet) naman sa katabing San Miguel. Ito ay 0.6 metro hanggang 1.2 metro (2 talampakan hanggang 4 talampakan) sa Bulusan, Sta. Lucia, Balungao, San Jose, Meyto, Panducot at Gugo. RNT/MND