Home NATIONWIDE Motorbanca, naisalba ng PCG sa paglubog sa Biliran

Motorbanca, naisalba ng PCG sa paglubog sa Biliran

233
0

BILIRAN, Philippines – Isang motorbanca na halos lumubog sa karagatan ng Higatangan Island, Naval, Biliran ang mabilis na tinugunan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG, ang matatag na dedikasyon sa pangangalaga ng mga buhay sa dagat at pagtiyak sa kaligtasan ng ating mga komunidad sa baybayin ay bahagi ng mga direktiba ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.

Agad na ipinadala ang rescue team mula sa CGS Biliran, sa koordinasyon ng Marine Environmental Protection Enforcement and Response Unit (MEPERU) Biliran, sa lugar sa kabila ng maalon na kondisyon ng dagat.

Nakipag-ugnayan ang team sa Naval Rescue Unit (NAVRU) Higatangan at local responders para sa agarang tulong sa  distressed motorbanca.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan, ang motorbanca ay matagumpay na nahila pabalik sa pampang katuwang ang mga rumispondeng yunit at mga residente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here