MANILA, Philippines – Apektado ng Southwest Monsoon o Habagat ang Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas.
Ayon sa PAGASA, ngayong Biyernes, Agosto 9 ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang Ilocos Region, Zambales, at Bataan dahil sa Habagat.
Ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Western Visayas ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil din sa Habagat.
Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC