Home METRO Bahagi ng Magallanes Drive sa Maynila, sarado hanggang ngayong araw

Bahagi ng Magallanes Drive sa Maynila, sarado hanggang ngayong araw

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagsasara sa ilang bahagi ng Magallanes Drive mula Hunyo 12 hanggang ngayong araw, Hunyo 13.

Ito ay dahil sa inauguration ceremony ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Floating Solid Waste Collector System Project.

“The DENR EMB-NCR (Environmental Management Bureau-National Capital Region) in coordination with the City Government of Manila Traffic and Parking Bureau would like to inform the public that West Bound of Magallanes Drive will be closed to traffic from June 12 to June 13, 2024, due to the Inauguration Ceremony of the DENR Floating Solid Waste Collector System Project,” saad sa Facebook post ng Manila Public Information Office.

Ang road closure ay mula Hunyo 12, alas-11 ng gabi hanggang Hunyo 13, alas-5 ng haon.

Inabisuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta.

“Motorists are advised to take alternative routes during this period. Traffic rerouting and detour signs will be in place to guide the public,” dagdag pa. RNT/JGC