Home METRO Kapitan, kagawad sugatan sa pamamaril sa Ormoc

Kapitan, kagawad sugatan sa pamamaril sa Ormoc

MANILA, Philippines – Sugatan sa pamamaril ang isang barangay chairman at Sangguniang Kabataan kagawad sa Barangay Alta Vista, Ormoc City, nitong Miyerkules, Hunyo 12.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Barangay Chairman Dennis Laurente at Hanna Toralba, 21, SK kagawad.

Sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang mga gunman na humarang sa sasakyan ni Laurente saka nagpaputok ng baril.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sina Laurente at Toralba.

Nag-alok na ng P200,000 pabuya si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez at Leyte Rep. Richard Gomez sa impormasyon na makapagtuturo sa mga gunman.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya. RNT/JGC