Home METRO Barangay chairman, drayber patay sa ambush sa Pampanga

Barangay chairman, drayber patay sa ambush sa Pampanga

MANILA, Philippines – Patay sa pananambang ang barangay chairman ng San Pedro Cutud, San Fernando City, Pampanga at drayber nito.

Sa ulat, kinilala ang mga biktima na sina barangay chairman Matt Ryan Dela Cruz, at driver nitong si Henry Aquino.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nagpapakarga ng gasolina sa Barangay Del Pilar, ng naturang lungsod ang mga biktima nang pagbabarilin ng mga suspek.

“Based sa CCTV, while itong mga victim ay nagre-refuel ng gasoline ay may bumuntot sa kanila na isang sedan. Bumaba yung dalawang sakay ng sedan at biglang pinaulanan ng bala ang dalawang biktima,” pahayag ni Police Lieutenant Colonel Jaime Edejer, Provincial Community Affairs and Development Unit (PCADU), Chief of Pampanga Police Provincial Office (PPO) sa panayam ng GMA News.

Binuo na ang Special Investigation Task Group (SITG) ang Police Regional Director na tututok sa imbestigasyon ng nangyaring krimen.

Nakiramay naman ang pamahalaang panlalawigan ng Pampanga at lokal na pamahalaan ng San Fernando sa pamilya ng mga biktima.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at posibleng motibo ng krimen. RNT/JGC