Home METRO Continental Gas Cup 2024 magsisimula na sa June 15

Continental Gas Cup 2024 magsisimula na sa June 15

MANILA, Philippines – MAGSISIMULA na ang Continental Gas Cup 2024 basketball tournament na gaganapin sa June 15, 2024 (Sabado) sa ganap na alas 12:00 ng tanghali sa Rockville 1 Subdivision covered court, Barangay San Bartolome, Quezon City at makikiisa sa pagbubukas nito ang actress at dating miyembro ng Viva hot Babes na si Maui Taylor at social media influencer na si boss Toyo.

Ayon sa ulat ito na ang pinakamalaking liga sa Barangay San Bartolome na inorganisa nina Commissioner Ana Leah Francisco-Castro at Assistant Commisioner Jon Jon Francisco.

Maglalaban-laban ang ang nasa walumpung teams para masungkit ang kampeonato mula sa iba’t ibang dibisyon.

Kabilang na rito ang edad 40 pataas… 39 under, 17 yrs old under, 14 under at 12 yrs old under.

Bukod pa riyan ay noong nakaraang buwan ay isinagawa naman ang opening ceremony ng continental gas cup 2024 volleyball tournament… na kung saan ay sinalihan ng higit sa dalawpung kalahok ang paliga na mula sa iba’t-ibang kategorya…

Ang paligang ito ay isinagawa, para mas mapalakas at mahasa pa ng mga manlalaro ang kanilang talento pagdating sa paglalaro ng basketball at volleyball.

Nais din ng mga commissioner na may mapaglibangan ang mga kabataan at iba pang kalahok ngayong bakasyon at mailayo din sila sa mga bisyo tulad ng droga. (santi celario)