Home NATIONWIDE Bahagi ng North Avenue isasara mula Sept. 24 ‘gang Nov. 30 sa...

Bahagi ng North Avenue isasara mula Sept. 24 ‘gang Nov. 30 sa MRT-7 project

307
0

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na pansamantalang isasara ang bahagi ng North Avenue sa Quezon City nang mahigit dalawang buwan para bigyang-daan ang konstruksyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).

Ayon sa traffic advisory, ang lane ng North Avenue patungong Elliptical Road ay isasara nang 24 oras mula Setyembre 24 hanggang Nobyembre 30, 2025.

Ang hakbang ay para sa excavation works ng pedestrian tunnel ng Quezon Memorial Circle Station na isasagawa ng kontraktor na SMC Mass Rail Transit 7 Inc.

Pinayuhan ang mga motorista at commuter na dumaan sa mga alternatibong ruta sa panahon ng konstruksyon.

Naglabas na rin ng detalyadong rerouting schemes ang ahensya bilang gabay sa publiko.

Humingi ng pang-unawa ang DOTr, at binigyang-diin na bahagi ito ng kanilang programa para gawing moderno ang transport system at magbigay ng mas ligtas at episyenteng biyahe sa Metro Manila.

“Taos-puso kaming humihiling ng kooperasyon at pag-unawa sa pansamantalang abalang dulot nito, habang patuloy kaming nagsisikap na maihatid ang makabago, episyente, at komportableng pampublikong transportasyon para sa lahat ng Pilipinong commuter,” pahayag ng ahensya.

Kapag natapos, ang MRT-7 ay magsisilbi sa mga biyahero mula North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose del Monte, Bulacan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here