Home OPINION BAKIT NGA BA, SENATOR RISA?

BAKIT NGA BA, SENATOR RISA?

67
0

“MAHIHIYA” ang mga respetado at hinangaan na mga ‘dramatic actress’ ng bansa katulad ng namayapang ‘Superstar’ na si Nora Aunor sa madramang eksena ni Senator Risa Hontiveros noong Lunes sa Senado at sa kanyang tanong na “bakit” daw “bumagsak” na ang kredibilidad ng Senado?

Kung may mahalagang “aral” itong mga Pinklawan at iba pa nating politiko sa “amo” nilang Amerikano ay ito: ‘erasure narrative leading to always playing the victim.’

‘Yun bang… “piliin” ang mga detalye ng isang kwento para palabasin na sila ay inosente at mga biktima pa nga.

Sa ganang atin, ang pekeng hinaing ni Hontiveros ay kolektibong posisyon ng kanilang grupo sa Senado na ngayon ay ‘Grupong Luhaan” matapos maging minorya pagkaraan ng naging palitan ng liderato sa Senado noong isang linggo.

“Bakit” bumaba na ang respeto ng publiko sa Senado? Sa ilalim kasi nang walang “yagbols” na liderato nitong si Tito Sotto at Ping Lacson, naging “masunuring aso” ng Palasyo ang Senado, sampu ng kanilang mga kasamahan sa mayorya noon.

Ano na bang nangyari sa imbestigasyon sa trilyones na flood control project scam sa ilalim ng Senado ni Sotto, Lacson at Hontiveros? Wala na!

At bakit ang lihim pala nilang agenda ay ‘Charter change’ para makapanatili pa sa poder at hindi kung paano iaahon sa kumunoy ng krisis at kahirapan ang mga Pilipino.?

Bakit din sa ilalim ng Senado ni Sotto, Lacson at Hontiveros, nakahanda pala silang isuko ang ating soberanya at handa silang ipaaresto ang isa nilang kasamahan at ipakulong ng isang dayuhang korte dahil ito ang gusto ng Palasyo?

Pero sa kwento nila, hindi na kasama ang mga pangyayaring ito at ang patuloy na kawalan ng kaayusan sa Senado ay dapat ibintang sa bagong mayorya.

Hindi ba, ‘erasure narrative leading to playing the victim’ ang tawag dyan?

At pagkatapos “didiga” ng tanong na “bakit” itong “kaibigan” ni Ronald Llamas?

“Buking” na ang mga estilo ninyo, hane? And yes, hindi ka magiging presidente. Sa school Parents-Teachers Association ka tumakbo at baka may tsansa ka pa, Madam. Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here