Home OPINION BLUE RIBBON PROBE SA BAHA ISKAM ITULOY, HARANGAN MAN NG SIBAT

BLUE RIBBON PROBE SA BAHA ISKAM ITULOY, HARANGAN MAN NG SIBAT

133
0

AYON sa mga balita, bilang bagong chairman, nirerebyu ngayon ni Senator Pia Cayetano ang lahat ng naganap na imbestigasyon sa Senate Blue Ribbon Committee o SBRC ukol sa flood control program scandal sa ilalim noon ni Sen. Rodante Marcoleta na pinalitan ni Sen. Ping Lacson makaraan.

Ito’y para makapagsimula ang SBRC nang tama at kung walang pagbabago sa mga darating na araw sa pamunuan ng buong Senado na makaaapekto rin sa pamunuan ng nasabing komite, makarating ang komite sa dapat nitong hantungan na walang iba kundi paglabas ng buong katotohanan, paglalapat ng pananagutan at pagbuo ng masustansyang batas.

Kung susubaybayan ang mga nagaganap sa iskandalong nabanggit at imbestigasyon ng huling pamunuan ng komite, lumilitaw na may katotohanan ang bintang na may mga pagtatakip lalo na na sa mga pinakamalalaking isda o utak sa iskandalo, lalo na sa Kamara at Palasyo.

At higit na nakararami ang naniniwala na ang pagtatakip ay nais ipagpatuloy ito ng ilang nag kudeta sa Senado ngayon, maging ang mga may katwiran na may higit na dapat asikasuhin ng Senado.

May mga pagtatakip dahil tahasang hinarang ang pagpapakita at pagsasalaysay ng katulad ng 18 Marines at sundalo na may direktang kaugnayan sa pagdadala ng male-maletang salapi sa mga pinakamalalaking utak ng korapsyon at pandarambong.

Hindi rin inimbitahan sa imbestigasyon ang mga susing tao na makapaglilinaw sa iskandalo gaya ng mag-lolong Lucas at Adrian Bersamin, Trygve Olaivar, Amenah Pangandaman, Stella Quimbo, Manny Bonoan, Leandro Legarda-Leviste, Martin Romualdez at iba pa.

Kung meron man sa mga ito ang naimbitahan noon, hindi pinalalim ang imbestigasyon sa mga ito.

Ayon sa rules ng Senado, kahit naka-recess ang Senado, pwede itong mag-imbestiga nang tuloy-tuloy.

Maganda ring maaprubahan ang panukalang pupwedeng magbigay ng testimonya ang nasa labas ng bansa gaya ni Zaldy Co sa pamamagitan ng internet o online.

Dapat isagawa na ang kumpletong imbestigasyon, harangan man ng sibat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here