Home NATIONWIDE Balasahan ng PNP officials umarangkada

Balasahan ng PNP officials umarangkada

MANILA, Philippines- Napasama ang tatlong ranking police officials sa pinakabagong balasahan ng Philippine National Police (PNP).

Sa kautusang may petsang April 8 at isinapubliko nitong Miyerkules, itinalaga ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil si Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay bilang acting chief ng bagong tatag na Police Regional Office (PRO) Negros Island Region.

Pinangalanan naman si Brig. Gen. Benigno Guzman na officer in charge ng Manila Police District (MPD) bilang kahalili ni Ibay, habang si Col. Aladdin Collado ang iniluklok na officer in charge ng Office of Executive Assistant, Office of the Chief PNP.

Epektibo ang reshuffle sa Huwebes.

Hinimok ni Marbil ang kapulisan na manatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Nauna niyang sinabi na kinakailangan ang balasahan upang i-“preposition” ang mga opisyal para sa susunod nilang tungkulin. RNT/SA