Home NATIONWIDE Balik-P10B tapyas-budget sa DepEd tinatrabaho nang ibalik ni PBBM

Balik-P10B tapyas-budget sa DepEd tinatrabaho nang ibalik ni PBBM

MANILA, Philippines – TINATRABAHO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabalik sa tinapyas na P10 billion na pondo ng departamento mula sa pinal na bersyon ng 2025 budget na inaprubahan ng Bicameral Conference Committee.

“On the subject of the DepEd, we are still looking into it. I think it is contrary to all our policy direction when we talk about the STEM development of our educational sector and then the continuing development,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang panayam.

“Because yung nawalan na P10 billion comes from the computerization item. So we’re working on it to make sure that we will restore it. I do not want to line item veto anything because that just gets in the way. So we’re still talking about it and trying to find a way,” aniya pa rin.

Sinabi pa ng Pangulo na magagawa pa rin naman ng gobyerno at makakagawa pa rin ito ng paraan para sa bagay na ito.

“And I think we’ll still be able to do it, to be able to do something. Maybe this is the first thing, hindi pa buo ang sagot ko pero sasabihin ko na sa inyo, tinatrabaho namin yan. At kailangan na kailangan,” ang winika ng Pangulo.

“Hindi, you know… P12 billion request, the original request of the P12 billion to be reduced down to two. P12B is only sufficient to maintain what we’re already doing when in fact we have to do more. So yun na nga, we have to figure that out. But we are,” aniya pa rin.

Nauna rito, ikinalungkot ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang pagtapyas sa pondo ng departamento mula sa pinal na bersyon ng 2025 budget na inaprubahan ng Bicameral Conference Committee.

Nakalulungkot aniya na ang malaking bulto ng tinapyas na budget, nagkakahalaga ng P10 bilyon na nakalaan pa naman sa computerization program ng DepEd.

“Medyo nalulungkot kami doon kasi gusto medyo moderno ang ating edukasyon at yung ating mga teachers at estudyante ay may nagagamit na makabagong teknolohiya, mga computers,”ayon sa Kalihim.

Nagpahayag din ng pagkabahala si Angara sa lumalawak na digital divide o agwat teknolohikal, isyu ng paggamit ng internet sa pagitan ng mayayaman at mahihirap kasunod ng pangyayaring ito.

Sa kabilang dako, kinondena naman ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro ang ‘budget cut’ ng administrasyong Marcos, tinawag niya itong “a clear manifestation of the government’s anti-education and anti-poor policies.”

“Paano nga ba maiibsan ang learning crisis kung binabawasan pa ang pondo ng edukasyon? Ang P10 billion na kinat sa computerization program ay malaking dagok sa ating mga mag-aaral na desperadong makahabol sa digital age,” ang winika ni Castro.

“The answer to corruption is not to decrease funding but to strengthen accountability measures and increase support for our learners.” ayon kay Castro.

Samantala, hiniling ni dating ACT Teachers Partylist representative Antonio Tino ang agarang pagbabalik ng tinapyas na budget.

“This administration talks about economic recovery but how can we achieve that when we’re compromising our children’s future? Education is a right, not a privilege. Kung may pondo para sa confidential funds at infrastructure projects, dapat may pondo rin para sa edukasyon ng ating kabataan,” ayon naman kay Tino.