Home NATIONWIDE Bangka na may sakay na mga hayop naharang sa DavOr

Bangka na may sakay na mga hayop naharang sa DavOr

MANILA, Philippines – Inaresto ng Philippine Coast Guard at mga awtoridad sa Davao Oriental ang limang suspek, kabilang ang dalawang Indonesian dahil sa illegal na pagbibiyahe ng mga hayop gamit ang isang motorized banca.

Ayon sa ulat, inalerto ang Coast Guard sub-station sa Governor Generoso ni Barangay Pundaguitan Kagawad Ronald Matinao sa kahina-hinalang bangka sa baybayin ng kanilang barangay.

“Upon inspection, the team discovered a haul of undocumented wildlife, including 27 Mollucan Cockatoos, 21 Rainbow Lorikeets, 26 Red Lories, and several marsupials such as Northern and Common Spotted Cuscus,” sinabi ng Coast Guard.

Ang limang suspek at ang kanilang bangka ay dinala sa Montserrat Fish Port para imbestigahan. Kalaunan ay itinurn-over ito sa pulisya.

Samantala, itinurn-over naman ang mga nakumpiskang hayop sa Department of Environment and Natural Resources. RNT/JGC