Home METRO Bangkay ng 1 sa 5 nawawala sa gumuhong Agana Bridge sa Tarlac,...

Bangkay ng 1 sa 5 nawawala sa gumuhong Agana Bridge sa Tarlac, natagpuan sa Dagupan

1
0

PANGASINAN, Philippines — Natagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkay ng isa sa limang sakay ng isang sasakyang nahulog sa Tarlac River matapos ang pagbagsak ng bahagi ng Agana Bridge sa Tarlac City.

Ayon sa PCG, nakita ang lumulutang na bangkay sa katubigan ng Barangay Pugaro, Dagupan City noong Lunes. Isang operator ng motorbanca ang nagreport sa Coast Guard Station Dagupan bandang tanghali.

Agad nagpadala ng response team ang PCG upang beripikahin ang ulat at magsagawa ng retrieval operation. Nakumpirma nila ang nakita at nakuha ang bangkay.

Dinala ang labi sa Barangay Poblacion Oeste at ini-turn over sa Dagupan City Police Station 5.

Kinumpirma ni Tarlac City Mayor Susan Yap na ang natagpuang bangkay ay isa sa mga biktima ng insidente sa Agana Bridge.

Patuloy naman ang search and rescue operations para sa tatlo pang nawawala.

Noong Agosto 29, nahulog sa ilog ang isang multi-purpose vehicle matapos bumagsak ang bahagi ng Agana Bridge. Isa lamang sa limang sakay ang nailigtas. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here