Home METRO Bangkay ng 2 paslit nakita sa loob ng sasakyan sa Pampanga

Bangkay ng 2 paslit nakita sa loob ng sasakyan sa Pampanga

168
0

PAMPANGA, Philippines – Natagpuan ang bangkay ng dalawang magkapatid na bata edad lima at anim, sa loob ng kotse sa Barangay San Matias, Santo Tomas, Pampanga.

Natagpuan ang mga bangkay sa isang open parking space 500 metro mula sa kanilang bahay matapos makatanggap ng report ang Philippine National Police mula sa mga concerned citizen.

Ayon sa kanilang ina, huling nakita niya sila noong July 6 nang pinakain niya ito ng tanghalian.

Sa pag-aakalang kinuha ng kaniyang asawa ang dalawang bata na nakatira sa ibang barangay, hindi na nag-alala ang ina kahit hindi na niya ito nakita ng gabi.

Nalaman na lamang ng ina nitong hapon na nawawala ang kanyang mga anak nang makita ang mga labi ng mga ito.

“Bago sila mawala pinakain ko muna. Nawala po, akala ko nandoon sila sa tatay nila. Hindi ko alam napunta sila diyan,” ani Daina Castor, ang ina ng mga bata.

Samantala, sinabi ng ama na hindi niya dinala ang kanyang mga anak dahil huli niyang nakita ang mga ito noong Hunyo.

Dagdag pa niya, hindi niya kukunin ang kanyang mga anak nang hindi sinasabi sa kanilang ina.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

“Nakita ko, ako personally, nangangamoy na. So ibig sabihin, matagal na silang patay. Ito ongoing pa yung SOCO (Scene of the Crime Operatives) natin nagpo-process ng crime scene. Initial [ano] po namin wala pong nakitang foul play,” ani  Police Captain Jester Calis, chief of Sto Tomas Police Station.

Inaasahan ng mga awtoridad ang resulta ng autopsy sa Martes upang malaman ang sanhi ng pagkamatay ng mga bata. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here