Home METRO Bangkay ng batang babae, isinilid sa sako; ginahasa bago pinatay

Bangkay ng batang babae, isinilid sa sako; ginahasa bago pinatay

GENERAL SANTOS CITY- KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng grade 2 pupil na batang babae makaraan matagpuan ang bangkay nito sa loob ng sako matapos umanong gahasain saka patayin ng hindi pa kilalang suspek nitong Miyerkules, Marso 13 sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang Princess Ariane Cabucos, residente ng Purok 9, Barangay Conel, General Santos City.

Sa report ng General Santos City Police Station 9, unang pina-blotter ng kanyang pamilya ang biktima na nawawala noong Linggo.

Makalipas ang tatlong araw, natagpuan ang bangkay ng biktima sa masukal na lugar ilang metro ang layo sa kanilang bahay.

Sa pagresponde ng mga awtoridad sa nasabing lugar, nakita ang walang saplot na bangkay ng bata sa loob ng sako na posibleng ginahasa muna bago pinatay sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang damit na nakapulupot pa sa leeg ng bata.

Narekober rin ng mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang mga damit at kutsilyo na posibleng pagmamay-ari ng suspek.

Nagpapatuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng pulisya para sa pagkakakilanlan sa suspek at agaran ikadarakip para managot sa karumal-dumal na krimen. Mary Anne Sapico

Previous articleMga kasambahay sa Central Luzon may taas-sahod sa Abril 1 – DOLE
Next articleP3.5M shabu nasamsam, 6 na suspek huli