Home METRO P3.5M shabu nasamsam, 6 na suspek huli

P3.5M shabu nasamsam, 6 na suspek huli

CAMARINES SUR- HIGIT P3.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa magkahiwalay na buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa anim na suspek nitong Miyerkules, Marso 13 sa probinsyang ito.

Ayon kay Police Brigadier General Andre Perez Dizon, Bicol regional police director, bandang 7:44 p.m. sa Barangay Tara, Sipocot, nadakip sina Sam, 52; Lian, 47; Ed, 47, at 16 anyos na binatilyo.

Narekober sa mga suspek ang 2 pakete na naglalaman ng shabu na may bigat na 500 gramo at aabot sa halagang P3.4 milyon.

Samantala, bandang 10:13 p.m. sa Barangay Buluang, Baao, nadakip ang dalawang suspek na kinilala sa mga pangalan Boyc, 32, at Vin, 28.

Nakuha sa mga ito ang 7 pakete na naglalaman ng shabu na may bigat na 20 gramo at nagkakahalaga ng P136,000.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleBangkay ng batang babae, isinilid sa sako; ginahasa bago pinatay
Next articleKuya Wil, tumawag daw kay Tito Sen, nagpapalakad sa senado?