Home METRO Bangkay ng bebot inanod sa baybayin ng Cavite

Bangkay ng bebot inanod sa baybayin ng Cavite

173
0

MANILA, Philippines – NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang pulisya kung may kaugnayan sa bagyong Khristine ang natagpuan na nakalutang na bangkay ng isang babae sa baybayin ng Tanza, Cavite.

Batay sa report wala pang pagkakakilanlan sa babae na natagpuan ng mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa ulat, bandang alas-12:10 kamakalawa ng hapon nang respondehan ng mga kawani ng PCG ang isang bangkay ng babae na natagpuang nakalutang ng ilang mangingisda sa baybayin na sakop ng Brgy Julugan 1, Tanza, Cavite.

Base inisyal na imbestigasyon, wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima kaya naniniwalaa silang walang nagaanap na foul play sa pagkamatay nito.

Inaalam din kung may kaugnayan sa bagyong Khrsitine ang pagkakalunod ng biktima habang nakikipagnayan ang pulisya sa karatig barangay para sa kanyang pagkakakilanlan. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here