Home METRO Bangkay ng lalaki natagpuan sa subdivision sa Cavite

Bangkay ng lalaki natagpuan sa subdivision sa Cavite

MANILA, Philippines – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan na tadtad ng tama ng saksak sa katawan sa loob ng subdivision sa Trece Martires City, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si Jeffrey Rubio, nasa hustong gulang na residente ng RCD Villas Brgy San Agustin ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa ang pulisya ng imbestigasyon sa pagkakakilanlan sa suspek.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-6:00 kamakalawa ng umaga nang natagpuan ang bangkay ng biktima sa RCD Villas De Trece Subdivision, Brgy. San Agustin ng nasabing lugar.

Napag-alaman na tadtad ng saksak ang katawan ng biktima nang matagpuan ng isang foreman na naglalakad sa lugar.

Nagsasagawa ng backtracking sa Closed CircuitTelevision (CCTV) para sa ikadarakip ng suspek. Margie Bautista