Home NATIONWIDE Bangkay ng nawawalang bata sa Surigao del Norte, narekober ng PCG sa...

Bangkay ng nawawalang bata sa Surigao del Norte, narekober ng PCG sa ilog

291
0

MANILA, Philippines – Natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labi ng isang batang nawawala matapos ang malawakang paghahanap sa Mayag River sa Mainit, Surigao del Norte.

Iniulat na nawawala ang bata simula noong Sabado matapos umanong mahulog sa ilog sa Purok Mahusay, Barangay Matin-ao River sa nasabing bayan, partikular sa Purok Mahusay, Barangay Matin-ao.

Una nang sinuspinde ang paghahanap sa bata ng Coast Guard Station Surigao del Norte, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP) noong Sabado ng gabi dahil sa mababang visibility at malakas na ulan.

Pinag-ibayo ng team ang operasyon nitong Linggo na nagdeploy ng karagdagang tauhan mula sa Coast guard Special Operations Group.

Nagsagawa sila ng underwater, surface at shoreline search na sumasaklaw sa 1.2 kilometers sa ilalim ng tubig. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here