Home NATIONWIDE Bangkay ng sanggol sa eco bag, natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Bulacan

Bangkay ng sanggol sa eco bag, natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Bulacan

263
0

Bulacan – Isang bangkay ng sanggol na palutang lutang sa ilog ang natagpuan ng mga awtoridad sa bayan ng Santa Maria.

Sa Facebook post na nag-viral nitong Agosto 5, ang nakitang palutang-lutang na sanggol ay nasa loob ng pulang eco bag ngunit nakalabas ang mga paa.

Ayon sa post, isang concerned citizen ang humingi ng tulong sa mga awtoridad kaugnay sa natuklasang bangkay ng sanggol.

Sinasabing ang bangkay na natagpuan ng mga awtoridad ay posibleng itinapon sa naturang ilog sa pagitan ng Brgy. San Jose Patag at Brgy. Catmon ng nasabing bayan.

Maraming netizen ang napamura sa kahayupang ginawa sa sanggol at nagsabing dapat makonsensya ang nagtapon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here