Home NATIONWIDE Barangay kagawad itinumba sa Zamboanga

Barangay kagawad itinumba sa Zamboanga

51
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang barangay kagawad matapos barilin-patay madaling araw ng Miyerkules, Mayo 20, sa Sitio Calanasan, Barangay Quiniput, Zamboanga City.

Ang biktima ay kinilalang si Warlito Sanson Salvador, 57, kagawad ng Barangay Quinipot, Zamboanga City.

Ang suspect ay kinilala namang si alyas Alvin, 36, residente ng kaparehong lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-iinuman sina Salvador at isa nitong kaibigan nang dumating si Alvin at pinaputukan ito gamit ang hindi tukoy na armas.

Agad naman na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Narekober ng pulisya ang isang empty shell casing na pinaniniwalaang mula sa isang caliber .45 pistol sa crime scene.

Posibleng personal na galit sa pagitan ng biktima at suspek ang motibo sa pamamaril.

Samantala, sa kaparehong araw ay naaresto rin ng mga awtoridad ang suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here