SINILOAN, Laguna- Patay sa pamamaril ang isang 51-anyos na barangay kagawad sa Barangay Llavac sa lugar na ito nitong Sabado.
Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Rin, kagawad ng Barangay Llavac.
Batay sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang motorsiklo nang lumitaw ang isang suspek na nakasuot ng puting jacket, itim na helmet, na nagmamaneho rin ng motorsiklo, at binaril ito ng tatlong beses sa likod.
Agad na binawian ng buhay ang biktima habang tumakas ang suspek patungo sa town proper.
Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga pulis. RNT/SA