Home NATIONWIDE Baricuatro iginiit na walang partisan politics sa quake relief distribution

Baricuatro iginiit na walang partisan politics sa quake relief distribution

285
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Governor Pamela Baricuatro na ang bawat pamilyang apektado ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu ay makatatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

Ani Baricuatro, ang kanyang administrasyon ay hindi pipili ng bibigyan ng tulong o gagamit ng politika bilang basehan ng pagtulong.

“That was one of the things that I made clear to the mayors yesterday. Wala’y pulitika karong panahona. regardless of political color or political affiliation,” aniya.

Sa press conference nitong Biyernes, Oktubre 3, sinabi niya na bagamat naabot na ng mga relief goods ang karamihan sa mga munisipalidad, mayroong mga liblib na barangay na hindi pa rin naaabot ng tulong.

Para matugunan ito ay naglatag ang Kapitolyo ng Incident Command Operations system na pinamumunuan ni Provincial Disaster Chief Dennis Francis Pastor para tumulong sa mga lokal na pamahalaan na magpaabot ng mga ayuda direkta sa barangay level.

“That’s why we are creating our Incident Command Operations para maka-advise mi down to the barangays nga matabangan namo ang LGUs nato nga mahatag gyud nato down to the barangays ang atoang relief goods,” sinabi pa ng gobernador.

Nakikipagtulungan na rin sila sa mga tauhan ng Philippine Army, Navy, Philippine Air Force, at Philippine National Police, sa pagbiyahe at pamamahagi ng relief goods.

Kaugnay naman sa ulat na may ilang indibidwal sa Medellin ang nagbalot na lamang ng plastic bag para hindi mabasa ng ulan, sinabi ni Baricuatro na nakapamahagi na sila ng mga tent sa mga pamilyang apektado ng lindol. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here