Home NATIONWIDE Barker na nanloob sa 2 restaurant arestado sa Bulacan

Barker na nanloob sa 2 restaurant arestado sa Bulacan

82
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang 18-anyos na jeepney barker matapos manloob at magnakaw sa dalawang restaurant sa Malolos City, Bulacan.

Kinilala ni Bulacan officer-in-charge Police Provincial Director Col. Jay Baybayan ang suspek na si Rayzen, residente ng Tiaong, Guiguinto.

Ani Baybayan, ang suspek na nagtatrabaho bilang barker sa Malolos Crossing jeepney routes, ay naaresto sa pamamagitan ng CCTV footage sa isang hot pursuit operation na isinagawa ng mga tauhan ng City of Malolos Police Station.

Sinabi pa ng mga awtoridad na pwersahang pinasok ni Rayzen ang Rubbed and Smoked Restaurant alas-4 ng madaling araw, at katapat na Barrios Sizzling Restaurant bandang 4:30 ng umaga ng Sabado sa Barangay Mojon.

Hinalughog nito ang dalawang establisyimento ngunit nakakuha lamang ng P50,000 cash mula sa Barrios Sizzling Restaurant.

Ayon sa may-ari ng Rubbed and Smoked Restaurant, walang nawalang gamit sa kabila ng kaguluhan sa loob ng kainan.

Samantala, sinabi rin ni City of Malolos Police Chief Col. Rommel Geneblazo na nadiskubre lamang ng mga may-ari ng restaurant na nalooban na sila nang magbukas ng negosyo ala-1 ng hapon ngunit naisumbong lamang ang insidente sa pulisya madaling araw ng Linggo, Abril 12 matapos ang business hours.

Ani Geneblazo, hindi pa narerekober sa suspek ang P50,000 cash. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here