Home NATIONWIDE Barko ng China sa EEZ ng Pinas, binabantayan ng AFP

Barko ng China sa EEZ ng Pinas, binabantayan ng AFP

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mahigpit nitong mino-monitor ang ulat tungkol sa isang People’s Liberation Army Navy (PLA-N) vessel at isang unmanned surface vessel na umano’y nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad (Reserve), nakikipag-ugnayan ang militar sa iba pang maritime agencies upang beripikahin at subaybayan ang presensya ng mga dayuhang sasakyang pandagat.

Batay sa ulat, nakuhanan ng video noong Hunyo 16 ng kumpanyang Seasats ang isang Chinese Type 052D guided-missile destroyer na gumagamit ng Lightfish unmanned surface vessel. Ang drone ay lumapit umano sa barkong Tsino mga 105 kilometro hilagang-kanluran ng Luzon.

“We have monitored and are monitoring any presence of foreign ships in our EEZ,” ayon kay Trinidad.

Dagdag pa niya na susuriin niya ang lokasyon ng naturang barkong Tsino mula sa mga naiulat na petsa hanggang sa kasalukuyan.

Ayon sa AFP, wala pang indikasyon ng agarang banta sa kaligtasan ng publiko o pambansang seguridad.

Hinimok din ni Trinidad ang publiko na manatiling kalmado, umiwas sa haka-haka, at umasa lamang sa beripikadong impormasyon mula sa mga opisyal na ahensya ng pamahalaan.

“The AFP will continue to monitor developments and perform its mandate of safeguarding the country’s maritime interests,” aniya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here