MANILA, Philippines – Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nasa preliminary investigation stage na ang mga reklamong plunder at graft laban kina Sen. Loren Legarda at Batangas Rep. Leandro Leviste kaugnay ng umano’y “ghost electricity.”
Ayon kay Remulla, ang pag-abot ng kaso sa yugtong ito ay nangangahulugang isang hakbang na lamang bago ito maisampa sa Sandiganbayan.
Sinabi rin niya na ang halagang sangkot sa reklamo ay ₱10 bilyon, ngunit ang tinatayang pinsala sa pamahalaan ay umaabot sa daan-daang bilyong piso.
“The P10 billion is just in the contract, but the amount lost to us Filipinos is in the hundreds of billions,” ayon kay Remulla. RNT/MDS