Home NATIONWIDE BARMM elections pinaghahandaan na ng Comelec

BARMM elections pinaghahandaan na ng Comelec

MANILA, Philippines – Pinaghahandaan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdaraos ng Parliamentary Elections sa bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Oktubre.

Ngayong araw, Mayo 20, nagpulong ang Regional Director, Provincial Election Supervisors at field personnel ng Comelec sa BARMM.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kabilang sa tinalakay ang karahasan kasama ang mga tanging problema sa nagdaang mid-term elections.

Ang ginawang pagpupulong ay nilalayon na maresolba ang mga usaping ito at masiguro ang mas maayos na pagdaraos ng halalan.

Posible rin na maglagay ng mas maraming Starlink o satellite connection para sa transmission ng boto dahil na rin sa naranasang hirap sa signal pagkatapos ng botohan noong Mayo 12.

Sinabi ni Garcia na tig-isang automated counting machine na lamang ang maaaring mailaan na reserba na ACM sa kada presinto para sa parliamnetary elections dahil limitado na rin ang eleksyon sa BARMM. Jocelyn Tabangcura-Domenden