Home METRO BARMM elections sa Setyembre 14, 2026, maaaring maaprubahan ngayong linggo – Comelec

BARMM elections sa Setyembre 14, 2026, maaaring maaprubahan ngayong linggo – Comelec

140
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na maaaring maaprubahan ngayong linggo ang batas na naglilipat ng unang regular na halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Setyembre 14, 2026.

“Bago mag-adjourn ang Kongreso, naniniwala tayo na ito’y maipapasa na sa linggong ito sapagkat ito ay na-certify as urgent ng ating pangulo,” ani Comelec Chairperson George Garcia.

Naaprubahan na ng Senado at House of Representatives ang panukala sa third at final reading. Sa Enero, naipagpaliban na ang Bangsamoro elections nang ika-apat na beses dahil sa “legal at operational” na hadlang matapos ma-delay ang BARMM redistricting law.

Ayon kay Garcia, handa na ang Comelec na tugunan ang 2.3 milyong rehistradong botante sa BARMM. “Ang importante, nagkaroon ng bagong districting law. Binabago ang mga distrito at the same time, may ilang pagbabago rin tulad sa kung paano ang pagboto na mangyayari sa mga kababayan natin sa Bangsamoro.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here