Home NATIONWIDE Barrios-Taran, bagong tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino

Barrios-Taran, bagong tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino

331
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong commissioner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Marites Barrios-Taran.

Si Barrios-Taran ay dating nagsilbi bilang Director General ng KWF. Siya din ay isang Certified Public Accountant at naging Board Secretary ng Board of Regents ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Ang KWF ay may tungkuling magsagawa, mag-ugnay, at magsulong ng pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pangangalaga ng wikang Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas.

Ang ahensya ay itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 7104, na nilagdaan bilang batas noong Agosto 14, 1991. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here