Home METRO Pampanga mayor, kasabwat sa P80-M “kikil” hawak na ng NBI

Pampanga mayor, kasabwat sa P80-M “kikil” hawak na ng NBI

335
0

MANILA, Philippines – Iniharap ng National Bureau of Investigation (NBI) ang inarestong Mayor ng San Simon, Pampanga, Abundio “JP” Punsalan Jr., kasama ang anim na cohorts, na nakilala bilang limang bodyguards at isang doktor, ngayong Huwebes, Agosto 7, 2025.

Matatandaang naaresto si Punsalan sa Clark, Pampanga noong Agosto 5, sa isang entrapment operation na isinagawa ng intelligence division ng NBI sa umano’y panunuhol.

Ang reklamo ay isinumite nina Irwin Chua at Mel Arellano, presidente at corporate secretary ng Real Steel Corp., isang kompanya sa paggawa ng mga bar na bakal na naka lagak sa San Simon.

Ayon sa kanila, humingi ng P80 milyon si Punsalan mula sa kumpanya, kapalit ng paborableng resolusyon mula sa lokal na pamahalaan, bagaman ang kumpanya ay walang mga paglabag sa kapaligiran o maging sa buwis.

Kinumpiska rin ang mga baril at bala ng kanyang security team.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang alkalde. (CESAR MORALES)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here