Home NATIONWIDE Barzaga, maaari pa ring tumakbo sa 2028 election — Comelec

Barzaga, maaari pa ring tumakbo sa 2028 election — Comelec

63
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na maaari pa ring tumakbo sa anumang public office si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga kahit siya ay na-expel sa House of Representatives.

Ayon sa Comelec, ang pagkaka-expel ay nangangahulugan ng pagkawala ng puwesto sa Kongreso ngunit hindi awtomatikong nagbabawal sa kanya na kumandidato muli, hangga’t hindi siya disqualified o may final ruling na nagbabawal sa kanya sa pagtakbo.

Ang pahayag ay ginawa matapos ang naging desisyon ng House of Representatives na alisin si Barzaga dahil sa umano’y paglabag sa House rules at ethical standards.

Dagdag pa ng Comelec, kung ang bakanteng pwesto sa kanyang distrito ay kwalipikado para sa special elections, maaari itong ituloy ng ahensya alinsunod sa umiiral na batas.

Patuloy pang mino-monitor ang sitwasyon habang inaasahan ang susunod na hakbang kaugnay ng posibleng halalan sa nasabing distrito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here