Home HOME BANNER STORY Baste Duterte, nanumpa bilang Mayor ng Davao City

Baste Duterte, nanumpa bilang Mayor ng Davao City

288
0

DAVAO CITY, Philippines – Opisyal na nanumpa noong Biyernes si Sebastian “Baste” Duterte bilang mayor ng Davao City sa bisa ng law of succession, matapos ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nakapanumpa kahit nanalo sa mayoral race noong 2025 midterm elections.

Ayon sa City Government of Davao, nanumpa si Baste Duterte at ang kanyang pamangking si Rodrigo Duterte II bilang acting Vice Mayor sa Davao City Hall.

Ang panunumpa ay pinangunahan ni RTC 11 Deputy Executive Judge Marie Estrellita Tolentino-Rojas.

Si Rodrigo Duterte II ay anak ng Davao City 1st district Rep. Paolo Duterte.

Nauna nang ipinroklama si dating Pangulong Duterte bilang mayor noong May 2025 elections, ngunit hindi nakapanumpa dahil sa arestong inisyu ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague kaugnay ng umano’y crimes against humanity.

Ayon sa Section 11 ng Omnibus Election Code, maaaring ituring na vacant ang opisina ng isang halal na opisyal kung hindi siya nakapanumpa sa loob ng anim na buwan mula sa proclamation.

Noong Hulyo ng nakaraang taon, inutusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Baste na maging acting mayor dahil sa “temporary legal incapacity” ng kanyang ama, na naiproklama bilang mayor-elect sa kabila ng kanyang kawalan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here